Isang video na kasama ng leksyon 2 ng parehong serye na sumasagot sa mga sumusunod na tanong: Sa anong mga paraan ginamit ng mga manunulat ng Kasulatan ang kanilang sariling mga regalo, kakayahan, at mga estilo ng pagsulat habang sila ay nagsulat ng mga Kasulatan? Sa anong mga paraan hindi gaanong nauunawaan ng mga hindi mananampalataya ang mga Kasulatan? Ano ang ibig sabihin ng mga teologo kapag sinasabi nila na ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa mga tao ng "kaliwanagan" upang matulungan silang maunawaan ang Kasulatan? Bakit hindi natin basta-basta maaasahan ang Espiritu Santo na sabihin sa atin kung ano ang ibig sabihin ng mga Kasulatan? Anong mga uri ng pagsasanay at edukasyon ang pinakamabuti sa atin kapag tayo ay nagpapaliwanag ng Biblia? Paano nakakatulong o nakahahadlang ang ating mga nakaraang karanasan sa paraan natin na mag-aplikar ng Kasulatan sa ating mga personal na buhay? Ang ating mga kasalanan ay nakahahadlang ba sa ating kakayahang magpaliwanag ng Biblia? Anong papel dapat gampanan ng ating kasalukuyang mga paniniwala sa ating pagpapaliwanag ng Biblia? Paano tayo dapat maghanda na basahin ang mga Kasulatan, at bakit importante ang sadyang paghahanda? Sa anong mga paraan dapat tayo umasa sa Espiritu Santo habang tayo ay nag-aaral ng Kasulatan? Anong uri ng epekto dapat magkaroon ng inspirasyon sa paraan natin na magpaliwanag ng Kasulatan?
